PSA: Ekonomiya ng Pinas lumago ng 5.7%

MANILA, Philippines — Bumilis ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa unang quarter ng 2024 batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, tumaas ng 5.7 percent ang gross domestic product noong unang quarter, kumpara sa 5.5 percent noong ikaapat na quarter ng 2023 at 6.4 percent noong Enero hanggang Marso 2023.

Gayunman, mas mababa ang 5.7 percent na GDP kumpara sa 6 hanggang 7 percent na itinakda na target range ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na kalaunan ay ibinaba rin sa 6.5 hanggang 7.5 percent dahil sa global demand, trade growth, oil prices, at inflation trends.

Ayon kay PSA head Claire Dennis Mapa, pangunahing contributors sa mabilis na paglago ng ekonomiya ang financial at insurance activities na may 10 percent, wholesale at retail trade at repair ng motor vehicles at motorcycles na may 6.4%, at manufacturing na may 4.5 percent.

Lumago rin ang annual growths ng lahat ng major economic sectors gaya ng agriculture, forestry, at fishing (AFF) na may 0.4 percent, industry na may 0.4%, at services na may 6.9 percent.

Lumakas din ang Gross national income (GNI) na may 9.7 percent, primary income (NPI) na may 57 percent.

Show comments