^

Police Metro

Sumuko ka na Quiboloy! – NBI

Doris Franche-Borja, Mark Villeza - Pang-masa
Sumuko ka na Quiboloy! – NBI
Pastor Apollo Quiboloy.
Sunshine Media

MANILA, Philippines — Matapos mabigo ang mga otoridad na makita si Pastor Apollo Quiboloy sa ginawang manhunt operations kahapon sa ilang ari-arian nito sa Davao ay nanawagan ang National Bureau of Investigation-Davao na sumuko na ito.

Nabatid na tinungo ng NBI-Central Minda­nao Regional Office ang Prayer Mountain at Glory Mountain ni Quiboloy sa Tamayong, Calingan, Davao ay hindi ito natagpuan.

Ayon sa NBI-Central Mindanao Regional Office (CEMRO), ang kanilang pagsalakay sa mga posibleng ‘hideout’ ni Quiboloy ay bunsod ng mga impormasyon na labas-pasok ang mga sasakyan sa lugar.

Bagama’t hindi nadatnan si Quiboloy sa lugar, tinanggap naman ng kanyang abogado na si Kathleen Kaye Laurente ang arrest warrant laban sa Pastor.

Sinabi naman ni NBI Region 11 director Arcelito Alba, patuloy nilang hahanapin si Quiboloy na nahaharap sa tatlong kaso ng sexual and child abuse sa Davao Regional Trial Court at qualified human trafficking charges sa Pasay Regional Trial Court.

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with