MANILA, Philippines — Umaabot sa P148 milyon ang naibigay ng Marawi Compensation Board bilang kompensasyon sa mga biktima ng madugong Marawi siege noong 2017.
Ito ang report ni MCB Chairperson Atty. Maisara Latiph sa Malacañang matapos simulan ang pagtanggap ng aplikasyon noong August 2023.
Kabilang sa mga binabayarang claims ng Marawi Compensation Board ang mga pinsala sa istruktura, death claims, personal property claims, other property claims at multiple claim.
Sinabi ni Latiph na 86 katao na ang nakatanggap ng death claims at 32 ang tumanggaap ng structural at personal property claims.
Ayon kay Nora Culaste, isa sa mga claimant, nagpasalamat siya sa natanggap na claim sa MCB.