^

Police Metro

Deniece Cornejo, Cedric Lee, 2 pa kulong ng 40 taon

Ludy Bermudo - Pang-masa
Deniece Cornejo, Cedric Lee, 2 pa kulong ng 40 taon
Vhong Navarro

Hinatulang guilty sa illegal detention…

MANILA, Philippines — Hinatulang guilty sa kasong serious illegal detention for ransom ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 153 sina Cedric Lee, Deniece Cornejo, Ferdinand Guerrero, at Simeon Raz sa kasong isinampa laban sa kanila ng aktor na si Vhong Navarro.

Sina Lee, Cornejo, Guerrero, at Raz ay guilty beyond reasonable doubt at sinentensiyahan ng reclusion perpetua na may katumbas na 40 taon, ayon sa korte.

Kinansela na rin ng korte ang piyansa ng mga akusado.

Personal pang dumalo sa promulgation sina Raz at Cornejo na agad dinakip.

Samantala, naglabas naman ng warrant of arrest ang korte laban kina Lee at Guerrero.

Inutusan din ng RTC ang mga akusado na bayaran si Navarro ng P100,000 bilang civil indemnity, P100,000 bilang moral damages, at P100,000 bilang exemplary damages.

“All monetary awards shall earn legal interest rate of 6% per annum from the finality of the judgment until fully paid,” anang korte.

Bagama’t hindi dumalo si Navarro sa pagdinig, sinabi ng kanyang legal counsel na si Atty. Alma Mallonga na tinanggap ni Navarro ang desisyon.

Matatandaan na noong 2014, si Lee at ang kanyang grupo ay inakusahan ng ­ kay Navarro na kung saan binugbog ito at nagdulot ng malubhang pinsala sa kanyang katawan.

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with