^

Police Metro

Bantag, nakalusot uli sa NBI raid!

Joy Cantos, Artemio Dumlao - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakas ang tila mala-Palos na si dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag sa mga ahente ng National Bureau of Investigation-Cordillera Administrative Region (NBI-Cordillera) sa isinagawang raid sa hinihinalang pinagtataguan nito sa Mines View, Baguio City nitong Sabado.

Sa report ni NBI-Cordillera, dakong alas-6 ng umaga nang salakayin ng NBI Agents sa pamumuno ni Assistant Regional Director Daniel Daganzo ang isang gusali na nagsisilbing himpilan ng mga Igo­rot Warriors International (IWI) sa Mines View ng lungsod.

Bago ito ay nakatanggap ng impormasyon ang NBI-Cordillera na nagtatago dito si Bantag na siya ring tumatayong chairman ng IWI.  Ang IWI ang nangunguna sa mga isinasagawang demons­trasyon sa mga kalye at pagtitipon sa Baguio City bilang pagpapakita ng suporta kay Bantag.

Ang dating BuCor chief ay siyang itinuturong mastermind sa pagpatay sa radio broadcas­ter na si Percival “Percy Lapid” Mabasa, 63 anyos nang mangyari ang krimen. Samantalang dalawa pang inmates ng BuCor na umano’y napag-utusan din sa krimen ang ikinanta si Bantag sa mga imbestigador na pinan­ga­kuan umano silang babayaran ng P500,000.

Una nang sinalakay ng mga awtoridad ang dalawang bahay sa Laguna at Marikina City na umano’y pinagtataguan ni Bantag pero nabigo itong maaresto.

Sinasabing si Bantag ay nagpadala na ng surrender feelers sa gobyerno simula pa noong nakalipas na taon kabilang na ang umano’y pagsuko sa isang maimpluwensiyang personalidad  na kaalyado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa hilagang Luzon pero hindi ito tinupad ng embattled na da­ting BuCor Director.

Samantalang napabilis naman ang pagtukoy sa mastermind kasunod ng ipinalabas na karagdagang P5-M reward na ini-anunsyo ni Speaker­ Ferdinand Martin Romualdez para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa mga nasa likod ng krimen. Ang kabuuang pabuya sa pamamaslang kay Lapid ay umabot naman sa P6.5 milyon.

Magugunita na noong Oktubre 3, 2022 si Lapid ay pinagbabaril ng-ri­ding-in-tandem na mga armadong salarin sa Brgy. Talon 2, Las Piñas City.

GERALD BANTAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with