^

Police Metro

Ika-2 biktima ng ‘sextortion’ ni Colonel, lumantad

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa pang babae na biktima ng ‘sextortion’ ng isang police colonel ng Philippine National Police na una nang ini­reklamo dahil sa  pagdodokumento ng kanilang mga ginagawang pakikipagtalik ang lumantad.

Sa reklamo ng 32-anyos na  biktima na isang  government employee, hindi na niya kayang itago ang umano’y pamba-blackmail ni ‘colonel’  gamit ang mga sensitibong litrato at video.

Nagkaroon umano sila ng relasyon ng colonel at kinalaunan ay nakipaghiwalay rin umano siya dito nang malaman niyang may asawa ito.

Dito ay pinagbantaan din siya ng misis  ni ‘colonel’ na  ilalantad ang kanyang mga sensitibong larawan at video kung hindi siya magbabayad sa umano’y  perang  nahiram niya sa opisyal.

Pinag-iisipan ng biktima na magsampa ng mga reklamong kriminal laban sa opisyal  at sa nagpapakilalang asawa nito.

Una na ring inireklamo ng “sextortion” ang colonel ng isang negosyanteng babae na nakarelasyon nito, matapos na ipadala ang kanilang naging pagtatalik sa anak na babae ng huli.

Dumulog na rin ang biktima kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil at hiniling na ilagay ang colonel sa “res­trictive custody.”

SEXTORTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with