^

Police Metro

PBA player, hinuli sa pagdaan sa EDSA busway

Mer Layson - Pang-masa
PBA player, hinuli sa pagdaan sa EDSA busway
Motorists continue traversing the EDSA-Kamuning flyover in Quezon City on April 7, 2024 before it partially closes on April 25, 2024 for retrofitting that will last for 11 months.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Isang manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) ang hinuli dahil sa pagdaan sa EDSA Busway at umano ay tangkang suhulan ang isang traffic officer, nabatid kahapon.

Batay sa isang video footage na isinapubliko kahapon ng Department of Transportation – Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT), makikita ang ginawang aktuwal na tangkang panunuhol ng PBA player na si Raymond Almazan ng Meralco Bolts team sa isang operatiba nila.

Ayon sa ulat ni SAICT Coast Guard Jayson Montemayor, kasalukuyan silang nagsasagawa ng operasyon sa EDSA busway noong Abril 15 nang isang hindi otori­sadong sasakyan ang dumaan sa carousel.

Nang sitahin nila ang behikulo, nadiskubreng minamaneho ito ni Almasan at napansin ng operatiba na naglabas ng pera ang manlalaro at kinuyumos ito paabot sa nasabing officer.

Kaagad naman tinanggihan ng officer ang suhol ng manlalaro at saka ito inisyuhan ng violation ticket na Disregarding Traffic Sign (DTS) at Failure to carry OR/CR.

EDSA BUSWAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with