^

Police Metro

Libreng pagkuha ng birth certificate para sa PWD, single parent isusulong sa Kamara

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Libreng pagkuha ng birth certificate para sa PWD, single parent isusulong sa Kamara
Ayon kay ACT-CIS Representative at Deputy Majority Floor Leader Erwin Tulfo, ang mga dokumento tulad ng birth certificate, NBI, Police, at Barangay Clearance, maging ang Health Certificate ay magiging libre na para sa mga PWD at solo parent sa nasabing panukalang batas.
Philstar.com/Irra Lising

MANILA, Philippines — Maghahain ngayong araw ang ACT-CIS Partylist ng batas para ga­wing libre na ang mga dokumento bilang job requirements para mabawasan ang mga gastusin ng mga persons with disability (PWD) at mga solo parent sa paghahanap ng trabaho.

Ayon kay ACT-CIS Representative at Deputy Majority Floor Leader Erwin Tulfo, ang mga dokumento tulad ng birth certificate, NBI, Police, at Barangay Clearance, maging ang Health Certificate ay magiging libre na para sa mga PWD at solo parent sa nasabing panukalang batas.

Ani Cong. Erwin, sa halip na magbayad para sa mga requirements, mala­king tulong sa mga PWD’s at solo parents ang kanilang matitipid.

“Karamihan sa PWD’s may mga maintenance o therapy na binabayaran habang ang mga solo parents, mag-isa nilang pinapalaki ang anak nila at any savings para sa kanila ay malaking tulong habang naghahanap sila ng employment,” dagdag ni Tulfo.

Sa kasalukuyan, may batas na libre ang pagkuha ng mga requirements pero para sa mga first time job seekers.

Pahayag pa ni Cong.Tulfo, ang batas na ihahain niya ay everytime na mag-apply ng trabaho ang mga PWD at solo parent ay libre ang pagkuha nila ng mga requirements.

ACT-CIS PARTYLIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with