PNP SAF, handang sumabak sa ‘forefront’ sa pagtatanggol ng teritoryo

MANILA, Philippines — Sa gitna ng tensyon sa karagatan ng Pilipinas ay handa ang PNP Special Action Force (SAF) na sumabak sa “forefront” sa pagtatanggol ng teritoryo ng bansa.

Ito ang inihayag ni PNP SAF Director Police Maj. General Bernard Banac sa pagbubukas ng Basic Airborne Course Cl 57-2024 at Parachute Packing Course Cl 15-2024 sa Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa City, Laguna kahapon.

Ayon kay MGen. Banac, bilang “elite” unit ng PNP mahalagang maging handa ang SAF na manguna sa anumang kaganapan.

Dahil dito patuloy aniyang nagsasagawa ang SAF ng mga espesyal na kurso at pagsasanay sa kanilang mga tauhan upang mabilis na makatugon sa mga “emerging challenges”.

Mahalaga aniya na maging bihasa ang SAF sa Airborne Operations para sa mabilis na pagdeploy ng mga tropa sa “hostile environment”.

Show comments