Guro utas sa ambush

Kinilala ang nasawing biktima na si Jerome Faunillan Etorma, guro sa Dumingag National High School sa Dumingag, Zamboanga del Sur.
File

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang guro nang pagbabarilin sa naganap na ambush, kamakalawa ng hapon sa Barangay Boniao, Mayahag, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang nasawing biktima na si Jerome Faunillan Etorma, guro sa Dumingag National High School sa Dumingag, Zamboanga del Sur.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo.

Batay sa ulat ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at habang binabagtas ang isang bahagi ng highway ay nilapitan siya ng mga nakamotorsiklong mga suspek at agad na pinagbabaril.

Ayon sa mga guro na wala silang alam na may kagalit si Etorma at umaasa sila sa mga otoridad na matukoy ang mga suspek.

Show comments