^

Police Metro

2 safehouse ni Bantag sinalakay ng NBI

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinalakay kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang safehouse ni dating prisons chief Gerald Bantag, na akusadong nag-utos na patayin ang radio broadcaster na si Percival Mabasa, mas kilala bilang Percy Lapid.

Subalit, nabigo ang mga ahente ng NBI-NCR na makita si Bantag matapos ang ginawang raid sa magkahiwalay na ­safehouse sa Caloocan at Laguna.

Ayon sa NBI-NCR, isang impormante ang nagbigay ng tip sa kanila na umano’y nasa isang safehouse si Bantag sa Caloocan.

Ngunit nang sila ay magtungo doon, tanging mga caretaker lamang ng bahay ang kanilang naabutan.

Ganito rin ang nangyari kahapon  sa isa pang safehouse sa Laguna kung saan walang Bantag na naaresto.

Dahil kapwa bigo na makita si Bantag, nagpaskil na lamang ang mga ahente ng NBI-NCR ng mga posters ni Bantag bilang isang Wanted Person na kung saan nakalagay ang mukha nito at pabuya na P2 milyon.

GERALD BANTAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with