MANILA, Philippines — Anim na baybayin sa bansa ang apektado na ng lason ng red tide kaya’t patuloy na pinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagkuha at pagkain ng mga shellfish tulad ng tahong, talaba at halaan sa baybayin ng Milagros sa Masbate; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa Samar at Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte.
Gayunman, ligtas namang kumain ng mga isda, pusit, hipon at alimangong huli o nagmula sa nasabing karagatan, basta’t mahugasan at lutuing mabuti.
Ang mga taong makakain ng shellfish meat na may red tide ay maaaring sumakit ang kalamnan, magsuka at diarrhea na maaaring magdulot ng kamatayan nito.