Provincial bus, puwede nang dumaan sa EDSA
MANILA, Philippines — Maaari nang dumaan muli sa kahabaan ng EDSA ang mga provincial bus upang bigyang-daan ang inaasahang pagdagsa ng mga biyahero, isang araw bago ang simula ng Semana Santa.
Batay sa advisory na inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), simula kahapon, Marso 23, 2024, pinapayagan na ang mga provincial bus na dumaan sa EDSA at magtatagal ito hanggang sa Abril 2.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, makakadaan sa kahabaan ng EDSA ang provincial buses mula alas-10 :00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.
Gayunman, ang mga provincial buses mula sa North Luzon ay hanggang sa terminal lang sa Cubao, Quezon City.
Ang mga provincial buses naman galing South Luzon ay hanggang sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at terminal sa Pasay City.
- Latest