Presyo ng isda at gulay tataas sa Holy Week
MANILA, Philippines — Inihayag ni Department of Agriculture (DA) Spokesperson at Asst. Secretary Arnel de Mesa na simula sa Lunes Santo ay maaaring magsimulang tumaas ang presyuhan ng gulay at mga isda sa Holy Week dahil sa pagtaas ng demand dito ng publiko.
Nilinaw ni De Mesa na hindi maiiwasan ang pagtaas ng presyo ng isda at gulay dahil tuwing mahal na araw ay mataas ang demand dito dahil ito ang karaniwang pagkain ng mga Katoliko sa panahon ng Semana Santa.
Sa ngayon naman anya ay mababa pa ang presyo ng isda at gulay tulad ng Bangus at Tilapia dahil may sapat na suplay dito ang bansa sa kasalukuyan.
- Latest