^

Police Metro

P158.74 milyong kush, nadiskubre sa balikbayan boxes mula Thailand

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nadiskubre ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang physical examination ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) ang anim na balikbayan boxes na galing sa Thailand na naglalaman ng kush o pinatuyong dahon ng marijuana na umaabot sa P158,745,600 halaga.

Batay sa ulat ng BOC, ang naturang marijuana, na may kabuuang 132,288 gramo o 132.288 kilogramo, ay nakasilid sa vacuum-sealed packages na inilagay sa loob ng anim na balikbayan boxes mula sa Thailand at naka-consigned sa isang Mary Gail Quesada at Rainier Quesada, sa pamamagitan ng Marcelo D. Laylo Cargo Forwarders.

“Sending balikbayan boxes is the simple tradition of Filipinos of giving gifts to their families and friends, but look how these criminal elements use them to smuggle illegal drugs into our country. No matter how many times they try, the full utilization of our personnel in shipment monitoring and available resources will foil any smuggling attempt,” ayon kay BOC Commissioner Bien Rubio.

Sinabi naman ni CIIS Director Verne Enciso na hiniling ng MICP na mag-isyu ng alert order noong Pebrero 28, 2024 matapos na makatanggap ng derogatory information na isang shipment na naglalaman ng mga ilegal na droga at iba pang misdeclared at undeclared items ang tatangkaing ipuslit sa bansa.

Ang confirmatory samples ng kush ay ipinadala na sa Phili­ppine Drug Enforcement Agency (PDEA), habang ang anim na balikbayan boxes ay ibinalik sa mga container para sa safekeeping.

Pinuri naman ni Intelligence Group Deputy Commissioner Juvymax Uy ang operasyon na nagresulta sa pagkabigo ng pagtatangkang makapagpuslit ng ilegal na droga sa bansa, dahil ito’y nagpapakita aniya ng dedikasyon ng BOC.

KUSH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with