Pagkamatay ng suspek sa Percy Lapid killing, walang foul play - PNP

Ricardo Zulueta

MANILA, Philippines — “Walang foul play sa pagkamatay ng dating opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Ricardo Zulueta, isa sa mga suspek sa pamamas­lang sa broadcaster na si Percy Lapid”.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Colonel Jean Fajardo nang tanungin kung walang foul play kaugnay ng pagkamatay ni Zulueta.

Inulit din niyang nakaranas ng pananakit ng dibdib si Zulueta at isinugod ng kanyang kapatid sa Bataan Peninsula Medi­cal Center noong Marso 15 at namatay kalaunan.

Ani Fajardo,ang dahilan ng pagkamatay ni Zulueta, base sa death certificate, ay cerebrovascular disease intracranial hemorrhage.

Ayon sa American Association of Neurological Surgeons, nangyayari ang cerebrovascular disease intracranial hemorrhage kapag may direktang pagdurugo sa brain tissue, na kadalasang namumuo ng clot sa loob ng utak.

Naunang iniulat ng Bataan Provincial Police na namatay si Zulueta, 42, dahil sa heart failure.

Show comments