MANILA, Philippines — Isinara na ang kontrobersiyal na resort na itinayo sa Chocolate Hills sa Bohol, pero iginiit ng pamunuan ng Captain’s Peak Garden and Resort na sumunod sila sa mga patakaran na itinakda ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Sa pagsasara nito, sinabi pa ng resort na magpapatupad ito ng “various eco-friendly initiatives” upang mapanatili ang sustainability nito.
Ngunit ayon kay Interior and Local Government (DILG), pinaiimbestigahan niya ang posibleng pananagutan ng Bohol LGU sa viral resort na itinayo sa protektadong lugar ng Chocolate Hills sa Bohol.
Ayon kay Abalos, aalamin nila kung may kapabayaan sa tungkulin o anumang iregularidad sa bahagi ng mga opisyal na inatasang protektahan at pangasiwaan ang lugar.
Aniya,hindi magdadalawang-isip ang DILG na ituloy ang nararapat na legal na aksyon laban sa mga city hall officials.
Ang Chocolate Hills ay isang UNESCO World Heritage Site at isang protektadong lugar sa ilalim ng Proclamation No. 1037 Series of 1997 at ang National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act of 1992.
Una nang nilinaw ng DENR na naglabas na ito ng temporary closure order noong Setyembre 2023 gayundin ng violation notice noong Enero 2024 laban sa Captain’s Peak Resort.
Sinabi naman ng lokal na pamahalaan ng Sagbayan, Bohol na hindi pa sila nakakatanggap ng kopya ng temporary closure order mula sa DENR.