^

Police Metro

Chocolate Hills resort isinara na

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Chocolate Hills resort isinara na
Captain’s Peak Garden and Resort in Barangay Canmano in the municipality of Sagbayan.
Facebook / Screengrab from Ren The Adventurer

MANILA, Philippines — Isinara na ang kontrobersiyal na resort na itinayo sa Chocolate Hills sa Bohol, pero iginiit ng pamunuan ng Captain’s Peak Garden and Resort na sumunod sila sa mga patakaran na itinakda ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa pagsasara nito, sinabi pa ng resort na magpapatupad ito ng “various eco-friendly initiatives” upang mapanatili ang sustainability nito.

Ngunit ayon kay  Interior and Local Government (DILG), pinaiimbestigahan  niya ang posibleng  pananagutan ng Bohol LGU sa viral resort na itinayo sa protektadong lugar ng Chocolate Hills sa Bohol.

Ayon kay Abalos, aalamin nila kung may kapabayaan sa tungkulin o anumang iregularidad sa bahagi ng mga opisyal na inatasang protektahan at pangasiwaan ang lugar.

Aniya,hindi magdadalawang-isip ang DILG na ituloy ang nararapat na legal na aksyon laban sa mga  city hall officials.

Ang Chocolate Hills ay isang UNESCO World Heritage Site at isang protektadong lugar sa ilalim ng Proclamation No. 1037 Series of 1997 at ang National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act of 1992.

Una nang nilinaw ng DENR na naglabas na ito ng temporary closure order noong Setyembre 2023 gayundin ng violation notice noong Enero 2024 laban sa Captain’s Peak Resort.

Sinabi naman ng lokal na pamahalaan ng Sagba­yan, Bohol na hindi pa sila nakakatanggap ng kopya ng temporary closure order mula sa DENR.

CHOCOLATE HILLS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with