34K pulis, idedeploy sa Oplan SumVac
MANILA, Philippines — Nakatakdang ideploy ng Philippine National Police (PNP) ang nasa 34,000 sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa kanilang Oplan Summer Vacation (SumVac).
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, ang nasabing bilang ng mga pulis ay kanilang idedeploy para sa seguridad ng mga bakasyonista at turista.
Tututukan aniya ng mga pulis ang mga major transportation terminals, areas of convergence, at maging ang mga simbahan sa pagpasok ng Holy Week.
Kasama aniya sa plano ang pagdeploy ng 7,000 trained tourist police sa mga popular tourist destinations at pagtatatag ng Police Assistance Desks (PAD) sa mga matataong lugar.
Ipauubaya na aniya ng pamunuan ng PNP sa mga Regional Director ang security deployment sa kani-kanilang nasasakupan, at pagtatakda ng alert status, depende sa sitwasyon.
- Latest