Quezon Medalya ng Karangalan, bukas sa nominasyon

MANILA, Philippines — Muling nagbabalik ngayong taon ang pinaka-prestihiyosong parangal para sa natatanging anak ng lalawigan ng Quezon – ang Quezon Medalya ng Karangalan.

Ito’y ginagawad upang gunitain ang buhay ng da­ting pangulong Manuel L. Quezon at ipinagkakaloob sa mga indibidwal na nagpamalas ng angking galing at kontribusyon sa iba’t ibang larangan gaya ng Public Service, Health and Science, Humanities and Philanthropy, Agriculture, Environment, Education, Sports, at Culture, Music, and the Arts.

Nahahati sa dalawang kategorya ang nasabing parangal, ang Quezon Gintong Medalya ng Karangalan Life Achievement Award ay iginagawad sa Quezonian na nagpamalas ng katangi-tanging husay na kinikilala sa nasyonal at internasyonal na kanilang larangan dahil sa mahalagang kontribusyon nito. Sa opisyal na muling pagbabalik nito, bukas na rin ang nominasyon sa bawat kategorya kung kaya’t kung isa ka sa mga kawalipikadong Quezonian na nabanggit, maaari nang magfill-up sa sumusunod na link: https://bit.ly/3IctXsj.

Nakatakda namang magtapos ang nominasyon para sa prestihiyosong parangal sa darating na Mayo 31, 2024. Para sa ibang mga katanungan at impormas­yon, makipag-ugnayan sa Facebook Page ng Quezon Provincial Tourism Office.

Show comments