^

Police Metro

Kakarampot na bawas-presyo sa produktong petrolyo ipapatupad ngayon

Angie dela Cruz - Pang-masa
Kakarampot na bawas-presyo sa produktong petrolyo ipapatupad ngayon
An attendant pumps gas at a gasoline station in Manila City.
STAR / Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Epektibo ngayong umaga ay magpapatupad ng kakarampot na bawas-presyo sa kada litro ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng bawas-presyo na P0.50 sa kada litro ng gasoline, P0.25 sa kada litro ng diesel at P0.30 sa kada litro ng kerosene epektibo alas-6:00 ngayong umaga.

May bawas-presyo din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) at CleanFuel na ipapatupad ngayong alas-12:01 ng madaling araw.

Ang itutupad na oil price rollback sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaang nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ng dagdag presyo na P0.50 sa kada litro ng gasolina habang bawas-presyo na P0.40 sa kada litro ng diesel at P0.35 sa kada litro ng kerosene.

OIL PRICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with