MANILA, Philippines — Nagpakita ng kahandaang ipagtanggol ang bansa mula sa mga kaaway na bansa ang pito sa 10 Pilipino.
Ito ang lumabas sa survey na isinagawa ng OCTA Research na kinomisyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan nasa 77% ng Filipino adults ang nagpahayag ng kanilang pagnanais na ipagtanggol ang Pilipinas.
“Across major areas, at least 60% of adult Filipinos are willing to fight for the country, with the highest percentage observed in Mindanao (84%) and the lowest percentage in Visayas (62%),” nakasaad sa report ng OCTA Research.
Nabatid na ang naturang resulta ng survey ay sa gitna ng umiigting na tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Sa naturang survey, ang Davao at Caraga region ang nakapagtala ng pinakamataas na percentage na 96 porsiyento ng mga adult Filipinos na sasabak sa labanan habang 95 porsiyento naman ang Soccsksargen.
Nasa 52 porsiyento naman ang Central Visayas samantalang 54 porsiyento naman sa Bicol Region.
Nasa 80 porsiyento naman ng mga Pilipino nasa Class D ang nagpakita ng pagnanasa ng pagkikipaglaban habang ang mga nasa edad 45-54 ang gustong lumaban para sa Pilipinas ay 87 porsiyento. Nakapagtala naman ng 69 na porsiyento ang mga nasa edad 65-74 na hindi handang lumaban para sa Pilipinas.