Pangulong Marcos balik Pinas na

MANILA, Philippines — Nakabalik na sa Pilipinas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa apat na araw na pagdalo sa ASEAN-Australia Special Summit sa Melbourne, Australia.
Lumapag ang sinasakyang eroplano ng pangulo at kanyang delegasyon sa Villamor Airbase pasado alas-11:00 ng gabi.
Sa pahayag ni Marcos, ipinagmalaki niya ang 1.53 bilyon dolyar o P86 bilyon na halaga ng investment na naiuwi dito sa bansa.
Kabilang dito ang pamumunuhan sa sektor ng renewable energy,recycling, housing at health services.
Ginamit din ng presidente ang pagkakataon para matalakay sa mga kapwa lider ang regional at international issue tulad sa kung paano makakatulong ang ASEAN kabilang na ang Pilipinas sa pagsusulong ng kapayapaan, kasaganahan at pag-unlad sa Indo Pacific region.
Matapos na dumating sa bansa ay dumiretso naman si Pangulong Marcos sa ospital para bisitahin ang kanyang ina na si dating unang ginang Imelda Marcos Jr. na naka-confined dahil sa mild pneumonia.
Itinanggi naman ng ilang source sa palasyo ang mga kumalat na balita na umanoy binawian na ng buhay ang dating unang ginang matapos na dalhin sa ospital dahil sa naturang sakit.
- Latest