MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang lalaki na pinaniniwalaang drug pusher nang pagbabarilin ng riding-in-tandem, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Kinilala ang nasawi na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo ay kinilalang si Cris Paul Palcotelo Gapa, 34, ng Brgy. Baesa, ng nasabing lungsod.
Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang pulisya upang matukoy at madakip ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo na armado ng mga baril.
Sa imbestigasyon ng QCPD-CIDU na nangyari ang krimen, alas-9:0 ng gabi sa harap ng Gate ng Asamba Compound sa Sitio Mendez St., ng nasabing barangay.
Ayon sa saksi nakarinig na lamang siya nang magkakasunod na putok ng baril hanggang sa makita niyang nakabulagta at naliligo sa dugo si Gapa kaya’t agad siyang humingi ng tulong sa barangay.
Dalawang basyo ng bala ng baril ang nakuha sa crime scene bukod pa sa isang plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu.
Inaalam na ng pulisya ang mga CCTV sa lugar upang matukoy ang mga suspek.