2 Pinoy todas, 2 sugatan sa Houthi missile attack

In this image obtained from the US Central Command (CENTCOM) on March 6, 2024 shows the Barbados-flagged, Liberian-owned bulk carrier after it was hit by anti-ship ballistic missile (ASBM) launched from Iranian-backed Houthi rebels. The United States on March 6, vowed to hold Yemen's Huthi rebels accountable for a strike on a bulk carrier that killed two people, apparently the first fatalities in the insurgents' attacks on shipping.
Photo by Handout / US Central Command / AFP

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Migrant Workers (DMW) na dalawang Pinoy ang patay habang dalawa pa ang malubhang nasugatan sa isang missile attack na naganap sa isang cargo vessel na dumaraan sa Red Sea at sa Gulf of Aden kamakalawa.

Kaagad namang nagpaabot ang DMW ng taos-pusong pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima, na hindi na umano nila papangalanan pa dahil na rin sa privacy reasons.

“With great sadness, the DMW confirms the deaths of two Filipino seafarers in the most recent attack by Houthi rebels on ships plying the Red Sea and the Gulf of Aden,” anunsiyo pa ng DMW, sa isang pahayag kahapon.

“We in the Department of Migrant Workers sincerely extend our deepest condolences to the family and kin of our slain, heroic seafarers. For reasons of privacy, we are withholding their names and identities,” anito pa.

Dagdag pa ng DMW, “We are also informed that two other Filipino crewmen were severely injured in the attack on their ship. We pray for their imme­diate recovery.”

Kaugnay nito, tiniyak naman ng DMW na alinsunod sa direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaagad nilang pagkakalooban ng ‘fullest support at assistance’ ang pamilya ng mga nasawi at nasugatang seafarers.

Nakikipag-ugnayan na rin umano sila sa manning agency ng barko at sa shipowner upang alamin ang mga kondisyon ng iba pang tripulante nito, partikular na ang mga Pinoy, na ligtas na rin umanong nadala sa daungan.

Ipinamamadali na rin umano nila sa principal shipowner at manning agency ang pagpapauwi sa bansa ng mga ito.

Show comments