MANILA, Philippines — Nag-match ang DNA ng isa sa dalawang Pinoy na inaresto sa Japan dahil sa umano’y pag-abandona sa bangkay ng mag-asawa sa Tokyo at tumugma ito sa DNA na natagpuan sa isang murder weapon.
Sa pagbanggit ng impormasyon mula sa Tokyo Police, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang DNA sa murder weapon ay tumugma sa Pinay na naaresto.
Inaasahang ilalabas ng mga imbestigador ang pinal na mga kaso laban sa mga Pilipino sa Marso 23 o 24.
Sinabi ng DFA na handa ang gobyerno ng Pilipinas na magbigay ng legal na tulong sa dalawa, na muling naaresto noong Sabado.
Sa isang CCTV footage, nakitang lumabas ang dalawang Pinoy sa bahay kung saan natagpuang patay ang mag-asawang sina Norihiro at Kimi Takahashi noong Enero 16, 2024.
Nauna nang sinabi ng DFA na kapwa iniimbestigahan ang dalawa dahil sa pag-alis sa bangkay ng mag-asawang Hapones at hindi sila itinuring na suspek.