MANILA, Philippines — Isang kongresista ang nababahala dahil sa naiulat na pagdami ng kababaihang pumapasok sa “sugar dating” sa bansa.
Sinabi ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, karamihan sa pumapasok sa “sugar dating” ay mga estudyante, walang trabaho at kapos sa buhay.
Nakikipagrelasyon aniya ang mga ito sa mas matanda sa kanila, kapalit ng buwanang sustento.
Naiulat na nasa mahigit 250,000 “sugar babies” ang pumasok na sa “sugar dating” noong 2023, kabilang ang 83,000 estudyante at 110,000 walang trabaho.
Matatandaang binalaan ng Philippine Commission on Women (PCW) ang mga babae laban sa mga website kung saan maaaring makilala ang mayayamang lalaki o “sugar daddies” na handang magbayad ng malaki kapalit ng serbisyo ng mga “sugar baby.”