MANILA, Philippines — Tatlong ambulansiya na dumaan sa EDSA bus lane na hindi naman emergency ang hinarang ng Department of Transportation – Special Action Intelligence Committee for Transportation (DOTr – SAICT).
Ayon sa ulat na sa simula ang mga ambulansya ay naglalakbay sa labas ng EDSA busway pero kalaunan ay pinagana ang kanilang mga blinker at pumasok sa bus lane kahit na hindi nagdadala ng anumang mga pasyente, sa pagtatangkang makaiwas lamang sa matinding trapiko.
“Agad silang dinakip at ini-report sa SAICT at Philippine Coast Guard (PCG) operatives, na kalaunan ay nagbigay ng ticket sa kanila nang sabay-sabay sa Ortigas Station ng Edsa busway,” ayon sa pahayag ng DOTr-SAICT.
Magugunita na nilinaw ng komite na tanging ang mga bus na tumatakbo sa ruta ng busway ng EDSA, mga sasakyan ng PNP, at mga may markang emergency na sasakyan tulad ng mga ambulansya at fire truck ang pinahihintulutang gamitin ang busway.
Gayunpaman, huhulihin ang mga marked vehicle na hindi tumutugon sa isang emergency at maling ginagamit ang kanilang mga sirena at blinker upang makaiwas sa trapiko.
Pinaiigting ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang pagsugpo sa mga colorum o hindi rehistradong ambulansya at mga sasakyang pang-emergency na gumagamit ng utilize blinkers/siren para makaiwas sa pagsisikip ng trapiko.
Pinahihintulutan ding gamitin ang EDSA bus lane ayon sa DOTr ay ang Pangulo, Bise Presidente, Senate President, Speaker ng House of Representatives, at ang Supreme Court Chief Justice.