‘Aleng Pulis’ sa mga police station madadagdagan
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. na asahan nang mas dadami pa ang mga babaeng pulis na makikita sa iba’t ibang proyekto ng Philippine National Police (PNP) gayundin sa mga police stations.
Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng National Women’s Month, paglulunsad din ng Project Aleng Pulis Everywhere na malayong tumugon sa mga pangangailangan ng publiko anumang oras at panahon.
Ang mga “Aleng Pulis” ang naatasang duminig at umaksyon sa mga sumbong partikular na sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga babae at bata sa pamamagitan ng Women and Children’s Protection Desk sa mga istasyon ng pulisya sa bansa.
Binigyan diin naman ni PNP Public Information Office chief at Spokesperson PCol. Jean Fajardo na nais iparamdam ng PNP na bawat sulok ng bansa ay may malalapitang babaeng pulis.
Sa ngayon, nasa 30 porsiyento ng 232,000 pulis ay mga babae.
- Latest