^

Police Metro

40% ng mga Pinoy, positibong gaganda pa ang ekonomiya - survey

Angie dela Cruz - Pang-masa
40% ng mga Pinoy, positibong gaganda pa ang ekonomiya - survey
Sa isinagawang survey mula December 8-12, 2023, lumalabas na 40% ng mga Pilipino ang kumbinsidong ga­ganda ang ekonomiya ng Pilipinas.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inihayag ng Social Weather Survey (SWS) na halos kalahati ng mga Pinoy ang naniniwalang gaganda pa ang ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan.

Sa isinagawang survey mula December 8-12, 2023, lumalabas na 40% ng mga Pilipino ang kumbinsidong ga­ganda ang ekonomiya ng Pilipinas.

May 44% ang nagsabing hindi ito magbabago, habang 10% naman ang nagsabing lalala ito.

May katumbas itong net economic optimism score na +30, na nangangahulugang “very high,” na mas mababa nang limang puntos kumpara sa +35 noong Setyembre ng 2023.

Tumaas naman ang net economic optimism sa Metro Manila at Visayas bagama’t bahagya naman itong bumaba sa Balance Luzon at Mindanao.

Isinagawa ang Fourth Quarter 2023 SWS Survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adult respondents sa buong bansa.

Sa nagdaang SWS survey ay nagpakita rin na ang mga Pinoy na umaasa na magkakaroon ng magandang buhay sa sunod na 12 buwan ay bumagsak sa 44% noong December 2023 mula sa 48% noong September 2023.

vuukle comment

SOCIAL WEATHER SURVEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with