Mga buto ng tao bumara sa septic tank

MANILA, Philippines — Mga buto ng tao ang nadiskubreng nakabara sa septic tank ng isang bahay sa Doña Aurora, Quezon City, kahapon.

Ayon sa imbestigas­yon ni PSSg Dhonnie B Peralta ng Quezon City Police District Criminal investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), natagpuan ang mga buto ng tao, alas-8:30 ng umaga kahapon sa No. 7 Serrano Laktaw St., Brgy. Doña Aurora, Quezon City.

Nagulat si John Christoper Guda nang mga buto ng tao ang kanyang natanggal na bumabara sa septic tank na agad niyang ipinagbigay-alam sa barangay ang insidente.

Sinabi naman ng QCPD-CIDU na kinukunan na rin nila ng pahayag ang nakatira sa nasabing bahay gayundin ang may-ari nito.

Isasailalim din sa DNA tests ang mga buto.

Show comments