Sunog sa Taytay: Lola patay

MANILA, Philippines — Isang 75-anyos na lola ang nasawi nang makulong sa  nasusunog niyang tahanan sa Taytay, Rizal kamakalawa.

Nakilala ang nasawi na si Catalina Navarro Edrial, 75, residente ng Lira St., Meralco Village, Brgy. San Juan, Taytay.

Sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, alas-5:56 ng gabi nang magsimulang sumiklab ang sunog sa library/stockroom ng tahanan at hindi nakalabas ng bahay.

Dakong alas-6:17 ng gabi nang maideklarang under control ang sunog at tuluyang naapula dakong alas-6:33 ng gabi.

Narekober na lamang ng mga tauhan ng Taytay Bureau of Fire Protection (BFP) ang bangkay ng biktima sa isinagawa nilang clearing operations.

Show comments