^

Police Metro

No. 2 most wanted terrorist sa Bicol, nadakip

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga otoridad ang number 2 most wanted terrorist sa Bicol Region.

Sa bisa ng warrant of arrest, dinakip si alyas “Jose Maria”, 28 na may kasong 3 counts ng murder at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Walang inirekomendang piyansa  sina Sorsogon City Regional Trial Court Branch 53Acting Presiding Hon. Donabel L. Breva-Bobier at  Sorsogon City  Branch 54  Executive Judge Hon. Bernardo R. Jiminez para sa mga naturang kaso.

Nabatid kay CIDG Director PMGen. Romeo M Caramat Jr. na kilalang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) si Jose Maria at nagsisilbi bilang Commanding Officer (CO) ng Special Partisan Unit (SPARU) Provincial Unit Guerilla (PYG) sa ilalim ng Bicol Regional Party Committee (BRPC).

Bukod ito, humahawak din ng posisyon si Jose Maria bilang CO, SRYG ng L2 KP3 na nago-operate sa probinsiya ng Sorsogon.

Tiniyak ni  Caramat na patuloy na tutugon  ang CIDG sa panawagan ng PNP Chief PGen Benjamin C Acorda Jr para sa pinaigting na hakbangin laban sa terorismo sa pamamagitan ng ating TF Sanglahi Bravo.

vuukle comment

WANTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with