2 ‘amasona’ tiklo sa kotong

MANILA, Philippines — Dalawang “amasona” na kasapi ng New People’s Army sa lalawigan ng Sorsogon ang naaresto sa entrapment operation ng mga pulis habang nangongo­lekta ng “revolutionary tax” sa mga opisyal ng barangay sa Purok-6, Brgy. Basud, West District ng lunsod na ito noong Linggo ng umaga.

Ayon kay PRO5 regional director Brig. Gen. Andre Perez Dizon inamin mismo ng mga suspek na kinilala sa kanilang mga alyas na “Ka Esteve”, 25, ng Brgy. Miluya, Castilla at “Ka Leny”, 45, residente ng Brgy. Basud, West District, Sorsogon City na kasapi sila ng NPA at responsable sa pangongotong sa mga barangay officials at residente.

Sa ulat isang biktimang barangay official ng naturang lugar ang nagsumbong sa Sorsogon City Police hinggil sa panghihingi ng pera ng mga komunista dahilan para bumuo ng mga operatiba at isinalang ang dalawa sa entrapment operation.

Inaresto ng mga pulis makaraang tanggapin ang marked boodle money na nagkakahalaga ng P20-libong piso mula sa opisyal ng barangay.

Show comments