‘Most wanted’ sa 8 kasong rape, arestado

MANILA, Philippines — Nalambat ng mga operatiba ng Las Piñas Police Station ang isang top most wanted person (MWP) dahil sa walong kasong panggagahasa sa isinagawang operasyon sa Calamba, Laguna, Biyernes ng hapon.

Sa ulat ng Warrant and Subpoena Section ng Piñas City Police Station, dakong alas-4:00 ng hapon nitong Pebrero 23 nang matunton ang akusadong si alyas “Jake”, 37-anyos, nakatalang top MWP ng Southern Police District, sa kanyang hideout sa Barangay Bubu­yan, Calamba, Laguna.

Nabatid na inisyu noong Enero 30, 2024 ang warrant of arrest laban kay Jake ni Presi­ding Judge Nerina C.N. Anastacio Mendinueto ng Regional Trial Court Branch 199, Las Piñas City, kaugnay sa 8-counts of rape.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa akusado kaya hindi siya maaaring makalaya nang pansamantala.

Show comments