^

Police Metro

P100 dagdag-sahod gawing tatlong bagsakan

Joy Cantos - Pang-masa
P100 dagdag-sahod gawing tatlong bagsakan
Commuters bound for work and school ride the LRT train on March 7, 2023, the second day of the weeklong jeepney strike.
Photo by Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Iminungkahi ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua na gawing tatlong bagsakan o unti-unti sa loob ng 3 taon ang pagpapatupad ng P100 umento sa arawang sahod ng mga manggagawa upang hindi mabigatan ang mga Micro Small Medium Enterprises (MSMEs).

Sinabi ni Chua na para maging ‘doable‘ o makaya­nan ang katas na umento sa minimum wage ay dapat na utay-utayin ito o gawing­ installment sa loob ng tatlong taon.

“Halimbawa: P40 on the first year, P40 on the second year, at P20 sa huling taon hanggang sa makumpleto ang P100 wage hike para sa NCR, Calabarzon, at Central Luzon Regions dahil yan ang mga region na mas may-kaya,” punto ng solon.

Para naman aniya sa iba pang rehiyon ay P35, P35, at P30 ang kakayaning umento sa minimum wage sa loob ng tatlong taon rin.

Binigyang diin ng solon na sa ganitong paraan, naka-schedule na ang mga umento ay hindi masa-shock ang mga negosyo at ang buong ekonomiya.

Sinabi ni Chua na pabor siyang itaas ang minimum wage ng mga manggagawa pero hangga’t maari aniya ay dapat magawan ng paraan ng pamahalaan na wala nang minimum wage sa anumang rehiyon sa Pilipinas na mas mababa sa poverty-threshold na P13,797 kada buwan.

vuukle comment

WAGE HIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with