Divorce Bill umusad na sa Kamara
MANILA, Philippines — Tinalakay na sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 9349 o ang panukalang pagsasalegal ng divorce sa Pilipinas.
Si Albay 1st District Rep. at Liberal Party President Edcel Lagman ang pangunahing may-akda at nag-isponsor sa House Bill (HB) 9349 sa plenaryo ng Kamara.
Sinabi ni Lagman na ang absolute divorce ay hindi dayuhang konsepto para sa mga Pilipino dahilan matagal na itong praktis noon pa mang panahon ng mga Kastila, Amerikano at maging ng mga Hapones nang manakop ang mga ito sa bansa.
Inihayag nito na ang Pilipinas lamang at ang Vatican City-State sa mga bansa sa buong mundo kabilang ang mga Katolikong nasyon ang legal ang diborsiyo at maging si Pope Francis aniya ay may malaya na ring pananaw sa usapin ng diborsiyo.
- Latest