Acetylene tank sumabog: Welder utas

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang welder nang sumabog ang isang acetylene tank habang nagwe-welding sa Quia­po, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Emilio Esplago, foreman ng Alleyway Construction bunsod ng mga tinamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan dulot ng pagsabog.

Batay sa ulat ng Barbosa Police Station 14 (PS-14) ng Manila Police District (MPD), dakong alas-10:40 ng umaga nang maganap ang insidente sa Estero de Quiapo, Arlegui St., Quiapo, Maynila.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na kasalukuyan umanong gumagamit ang biktima ng isang welding machine nang maganap ang pagsabog na nagresulta sa matinding pagkasugat nito at pinsala sa lugar.

Naisugod pa ang biktima sa Jose Reyes Memorial Hospital ngunit binawian din ng buhay.

Show comments