^

Police Metro

P100 taas-sahod, ‘di kaya ng employers - ECOP

Angie dela Cruz - Pang-masa
P100 taas-sahod, ‘di kaya ng employers - ECOP
Sa media briefing sa QC, sinabi ni Sergio Ortiz –Luis Jr. , pangulo ng ECOP at ng Philippine Exporters Confederation, Inc. (Philexport) na hindi pa napapanahon na maipatupad ang P100 wage hike dahil maraming employers ngayon ang hindi pa nakakaangat mula sa nagdaang epekto ng pandemya.
AFP / File

MANILA, Philippines — Tahasang inihayag ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na wala pang kakayahan ang mga employers na maipatupad ang hirit na P100 across-the-board na minimum wage hike ng mga manggagawa sa bansa.

Sa media briefing sa QC, sinabi ni Sergio Ortiz –Luis Jr. , pangulo ng ECOP at ng Philippine Exporters Confederation, Inc. (Philexport) na hindi pa napapanahon na maipatupad ang P100 wage hike dahil maraming employers ngayon ang hindi pa nakakaangat mula sa nagdaang epekto ng pandemya.

Sinabi rin ni ECOP director at Phil. Chamber of Commerce Industry (PCCI) Labor Employment Committee chairman, Arturo “Butch” Guerrero na dapat munang magkaroon ng isang multi-sectoral consultations sa pagitan ng mga stakeholders hinggil sa usapin ng pagtataas sa sahod ng mga mang­gagawa bago ang desisyon para rito.

Aniya, ang anumang mabilisang hakbang para dito ay magdudulot ng matinding epekto sa business sector lalo’t kasalukuyan pang nagrerekober ang maraming negosyante mula sa epekto ng pandemya lalo na ang mga negosyo na nasa micro, small, at medium-scale enterprises (MSMEs) na may pinakamaraming workforce sa bansa.

Hinikayat nito ang mga Senador na hayaan munang pag-isipan at pag-aralang mabuti ng Regional Wage Boards ang isyu upang hindi naman masaktan ng todo ang sektor ng pagnenegosyo at tuloy mapangalagaan ang estabilidad ng ekonomiya ng bansa.

SALARY INCREASE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with