Buhay ng mga Pinoy, bahagyang humaba
MANILA, Philippines — Batay sa istatistika mula sa United Nations (UN) ay bahagyang humaba ang buhay ng mga Pilipino makaraang tumaas ang “life expectancy” sa bansa.
Sa datos, maaaring mabuhay ngayon ang mga Pilipino hanggang 71.79 taon. Bahagyang mataas ito kumpara sa 71.41 noong 2021.
Ito ay makaraang magtapos ang COVID-19 pandemic sa bansa at bumalik na sa normal na pamumuhay ang mga Pilipino.
Sa buong mundo, pinakamahaba ang buhay ng mga taga-Hong Kong at Japan na mayroong 85 taon na life expectancy, habang pinakamababang mabuhay ang mga taga-Central African Republic na mayroon lamang itinatagal na 54 taong gulang.
Sa depenisyon ng UN, ang “life expectancy” ay ang average na bilang ng taon na maaaring mabuhay ang isang bagong silang kung dadaan siya sa lahat ng uri ng pamumuhay sa kinalakhang lugar.
- Latest