NTF-ELCAC para sa kapayapaan at karapatang pantao

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ni Pre­sidential Human Rights Committee Secretariat Executive Director and Undersecretary Severo Catura  ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pagsasabing isang paraan ng karapatang pantao ang mandato ng task force para makamtan ang kapayapaan at kaunlaran.

Sa ‘virtual’ na pulong-balitaan ng Integrated Communications Ope­rations Center (ICOC), umapela si Catura sa mga media na tulungan ang pamahalaan na maipara­ting ang katotohanan hinggil sa papel na ginagampanan ng NTF-ELCAC.

Ayon kay Catura, ma­rami ang sumisira sa imahe ng task force lalo na ang mga tao, o grupong kaalyado ng maling ideo­lohiyang pinakakalat ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democra­tic Front (CPP-NPA-NDF).

Sa pagtupad aniya ng NTF-ELCAC sa mandato nito, nagawa ng task force ang mga community development, livelihood programs, at mga inisiya­tibong pang-kapayapaan.

Samantala, inihayag­ din ni Catura ang kanyang kagalakan sa ginawang pag-salag din ng Commission on Human Rights (CHR) sa rekomendasyong iniwan ni United Nations Special Rapporteur Irene Khan na buwagin na ang NTF-ELCAC.

Ipinakita aniya ng CHR ang dedikasyon nito sa mandato at prinsipiyo ng ahensiya.

Show comments