VP Sara sa mga Pinoy sa V-Day: ‘Bigas muna, bago pag-ibig’
MANILA, Philippines — Nagbigay ng praktikal na payo si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte para sa mga Pinoy ngayong Araw ng mga Puso.
Nabatid na nagpaskil si VP Sara ng isang TikTok video kung saan pinaalalahanan niya ang mga Pinoy na mas mahalaga ang bigas kaysa pag-ibig.
Caption pa ng video, “Roses are red, violets are nice, but nothing compares to the way you spice up my rice!”
“Para sa akin, mas importante ang bigas kesa sa pag-ibig kasi kung meron kang pag-ibig pero wala namang pambili ng bigas, para kang kumain ng kare-kare na walang kanin,” mensahe naman niya sa wikang Bisaya.
Dagdag pa niya, “Ganyan ang Valentine’s Day—bigas bago pag-ibig.”
Binigyan din niya ng payo ang mga taong may sinisinta, na maging handa dahil laging nandiyan ang posibilidad na masaktan o mabigo sa pag-ibig.
Aniya, “Kaya crush ang tawag sa tao na gusto mo dahil he will crush your heart and break your heart. Kaya ‘wag mo na lang lapitan.”
- Latest