Ina, magulang inaresto sa pag-abandona sa bagong silang na sanggol sa banyo

Naplakahan sa CCTV footage ang ginamit nilang sasakyan at natuklasang pagmamay-ari ito ng ama ng babaeng nag-iwan sa sanggol.
Image by Rainer Maiores from Pixabay

MANILA, Philippines — Naaresto na ng Que-zon City Police District (QCPD) ang isang ina na sinasabing nag-iwan ng kanyang sanggol sa banyo ng isang gasolinahan sa Kalayaan Ave. sa Quezon City noong Pebrero 8 ng umaga.

Maging ang kanyang mga magulang ay dinakip din sa paniniwalang kasab­wat umano ito sa krimen.

Nabatid na nahanap ng pulisya ang tirahan ng babae sa Vista Verde Country Homes sa Brgy. Muntindilaw, Antipolo City nitong Biyernes.

Sa ulat ng pulisya, nagsagawa sila ng backtra­cking sa kuha ng CCTV sa pagkakakilanlan ng babae at kasama nito sa sasakyan na isang SUV.

Naplakahan sa CCTV footage ang ginamit nilang sasakyan at natuklasang pagmamay-ari ito ng ama ng babaeng nag-iwan sa sanggol.

Bago inaresto, makikita sa CCTV footage ang buntis na babae na naki-CR sa gasolinahan, ngunit nanganak at iniwan ang sanggol.

Nadiskubre ang sanggol nang may sumunod na gumamit ng banyo.

Hindi agad natuklasang may sanggol sa CR dahil pinasakan pa ng tissue paper ang bibig nito.

Nahaharap sa frustrated infanticide at child abuse ang ina ng sanggol habang inihahanda rin ang reklamo laban sa kanyang mga magulang.

Show comments