Konsehal, itinumba ng tandem!

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Roberto Carpio, 62, residente ng Brgy. Luyos, at two-term municipal council member sa bayan ng San Antonio.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MANILA, Philippines — Patay ang isang konsehal ng San Antonio, Nueva Ecija matapos tambangan at pagbabarilin ng riding-in- tandem, kamakalawa ng umaga sa nasabing lalawigan.

Dead-on-arrival sa ospital ang  biktimang si Roberto Carpio, 62, residente ng Brgy. Luyos, at  two-term municipal council member sa bayan ng San Antonio.

Sa naantalang ulat ng pulisya, nangyari ang insidente dakong alas-7:30  ng umaga nitong Huwebes sa Barangay Sto. Cristo, San Antonio, Nueva Ecija.

Nabatid na kahahatid lamang ng biktima sa kanyang apo sa paaralan at pauwi na nang tambangan ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang biktima.

Nang makitang bumagsak ang biktima, mabilis na tumakas ang  mga suspek.

Tinitignan na ng pulisya ang mga CCTV camera sa  lugar upang matukoy ang suspek at iniimbestigahan na rin ang motibo ng pamamaslang.

Show comments