MRT-3 at LRT-2, nagbigay ng libreng sakay

Commuters enjoy free rides at an MRT-3 station on February 7, 2024.
Released / DOTr-MRT-3

MANILA, Philippines — Nagbigay ng libreng sakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT2-) sa kanilang mga pasahero kahapon, kaugnay nang pagdiriwang ng ika-125th anibersaryo ng Department of Transportation (DOTr).

Sinabi ng DOTr na ang libreng sakay ng mga naturang rail lines ay sinimulan mula 7:00 ng umaga  hanggang 9:00 ng umaga at muling ipinagpatuloy pagsapit ng 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Ang MRT-3 ay bumabagtas ng EDSA mula North Avenue, Quezon City hanggang Taft Avenue, Pasay City habang ang LRT-2 naman ang siyang nag-uugnay sa Recto, Maynila at Antipolo City sa Rizal.

Show comments