12-anyos ibinugaw sa 50-anyos sa halagang P200
MANILA, Philippines — Isang 50-anyos na lalaki ang inaresto matapos ireklamo nang panghahalay ng12-anyos na dalagita na binayaran nito ng halagang P200 naganap sa Tondo, Maynila, kamakailan.
Ang suspek na sinampahan ng kasong statutory rape at nakakulong na sa Baseco Police Station custodial jail ay kinilalang si Bobby Arellana, residente ng Duhat Street, Brgy. 118 Zone 9, Baseco Compound, Tondo.
Nabatid na unang dumulog sa pulisya ang 12-anyos na babae at inireklamo si Arellana ng panggagahasa.
Isinalaysay ng biktima na ibinugaw umano siya ng kapitbahay na si “Ate Beth” at sapilitan siyang kinatalik ng suspek kapalit ng P200 bayad.
Tinangka umano niyang manlaban sa lalaki ngunit sinasaktan siya nang paghahampasin siya sa ulo ng cellphone.
Dinakip ng mga pulis ang suspek sa kaniyang bahay nitong Enero 25 at dumepensa na karelasyon umano niya ang dalagita at nagsasama sila ng halos tatlong buwan na.
Itinanggi naman ito ng biktima at iginiit na tinakot siya ng suspek na gagawan ng masama kapag nagsumbong.
Ikinulong rin umano siya sa loob ng kaniyang bahay pero nakalingat ang suspek kaya siya nakatakas at nakapagsuplong sa mga pulis.
- Latest