Lalaki na galing sayawan, pinugutan ng ulo

A silhouette of a man carrying a knife.
CC0 Creative Commons

MANILA, Philippines — Isang magsasaka ang pinugutan ng ulo ng hindi pa kilalang salarin  sa Purok Buntod, Sagay City, Negros Occidental.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Joel Malalo-an Lacao-Lacao, o mas kilala sa bansag na Karang, 30, residente ng Purok Tangke, Barangay Poblacion 2, Sagay City na kung saan ay hindi pa nakikita ang ulo nito.

Sa ulat ni Police Lt. Hannah Banquil, deputy chief ng Sagay City Police Office, huling nakitang buhay ang biktima nitong Enero 27 ng gabi habang nagsasayaw sa purok piyesta sa lugar.

Dakong alas-9:55 ng umaga kama­kalawa nang matagpuan ang katawang walang ulo  ng biktima sa tubuhan sa Purok Buntod.

Hindi naman mahanap ang ulo ng biktima na ayon sa  pulisya ay hindi lang isang tao ang gumawa ng krimen.

Inaalam din ng pulisya kung mayroong nakaaway ang biktima ng nasa sayawan na posibleng gumawa ng karumal-dumal na krimen.

Mayroon na rin umanong person of interest ang pulisya, subalit hindi muna nila maaring ibunyag ang detalye dahil patuloy pa rin ang kanilang ginagawang imbestigasyon.

Show comments