^

Police Metro

80K residente ng Zambales City naayudahan ng P500 milyon

Joy Cantos - Pang-masa
80K residente ng Zambales City naayudahan ng P500 milyon
Marikina district 2 Representative Teacher Stella Quimbo leadS the distribution of cash assistance to ore than 400 micro and small rice retailerS on Wednesday to support them in line with the imposition of Pres. Bongbong Marcos order on price ceiling on rice through executive order No. 39. This is the first batch of marikina rice retailers to receive such benefits on September 13, 2023.
STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nagkakahalaga ng mahigit P500 milyon ang tulong pinansyal, pangkabuhayan, scholarship, at iba pang serbisyo publiko ang naiparating ng admi­nistrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa dalawang araw na event nitong Sabado at Linggo sa Zambales City.

Kaya’t naging isang malaking tagumpay ang paghahatid ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng mga serbisyo at tulong pinansyal ng administrasyong Marcos, kabilang ang libreng bigas, ayuda sa mga magsasaka, at scholarship sa ilalim ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa 80,000 residente ng Zambales nitong Sabado at Linggo.

Nasa 3,000 ang benepisyaryo ng Cash and Rice Distribution (CARD) Program. Nakatanggap ang mga ito ng P950 halaga ng bigas at P1,050 cash na pambili ng iba pang pagkain.

Nasa 3,000 magsasaka rin ang nabigyan ng tulong pinansyal sa ilalim ng Farmers Assistance for Recovery and Moder­nization (FARM) ng administrasyong Marcos.

Umabot naman sa 4,000 estudyante sa Zambales ang nakatanggap ng tulong pinansyal at scholarship sa ilalim ng Integrated Scholarships and Incentives Program (ISIP).

Ayon kay Speaker Romualdez, pagtupad sa pangako ni Pangulong Marcos ang pagkakaloob ng tulong at ayuda sa mga Pilipino.

ZAMBALES CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with