^

Police Metro

3.7 milyong pamilyang Pinoy, nakaranas na walang makain – Survey

Angie dela Cruz - Pang-masa
3.7 milyong pamilyang Pinoy, nakaranas na walang makain – Survey
In this undated photo shows a poor famiy.
The Edd Gumban/File

MANILA, Philippines — Tumaas sa 14% o 3.7 milyong pamilyang Pinoy ang nakararanas ng self-rated o involuntary hunger sa pinakahuling Tugon ng Masa (TNM) survey ng OCTA Research sa huling quarter ng 2023.

Sa TNM poll na isinagawa mula Disyembre 10 hanggang 14 noong nakaraang taon, iniulat na ang 14% involuntary hunger para sa fourth quarter ng 2023 ay mas mataas sa 10% o 2.6 milyong pamilya na naitala noong Setyembre 2023.

Naitala sa Visayas ang pinakamataas na incidence ng self-rated hunger sa 19%, sinundan ng Mindanao sa 18%.Nakapagtala naman ang Balance Luzon at National Capital Region ng 11% at 8% self-rated hunger.

Samantala, ang 18% na self-rated hunger sa Mindanao noong Dis­yembre 2023 ay mas mataas sa 9% na naitala noong Oktubre 2023.

Sa mga pamilyang nakararanas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan, 89% ang nagsabing nakaranas sila ng gutom isang beses o ilang beses, habang 11% ang nagsabing lagi nila itong nararanasan.

Bahagya namang bumaba ang self-rated poverty sa mga Filipino sa 45% o 11.9 milyong pamilya sa kaparehong survey period.

Ang 45% self-rated poverty rating ay bahagyang mababa sa 46% na self-rated poverty o 12.1 milyong pamilya noong Oktubre 2023.

POVERTY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with