China kontrolado na ang Bajo de Masinloc - PCG

The Chinese Coast Guard has installed a floating barrier in the southern portion of Bajo de Masinloc, a traditional fishing ground off the coast of Zambales.
Philippine Coast Guard

MANILA, Philippines — Kontrolado na ng China ang Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS) makaraan ang pinakahuling insidente ng pangha-harass sa mga mangingisda na pumalaot dito kamakailan.

Ito ang sinabi ni Phiippine Coast Guard (PCG) Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG sa isyu sa WPS nang mangyari ang insidente ilang araw bago ang pag-uusap ng Pilipinas at China para sa mas malakas na mekanismo at kumonikasyon sa usaping West Philippine Sea noong January 17.

Ngunit sinabi ng tagapagsalita na matagal na umanong dinodomina ng China ang naturang bahagi ng WPS na dinaanan na ng ilang mga presidente ng bansa.

“Since 2012 until now, passing through three presidential administration, it is already an open book that the Chinese Coast Guard has the complete control of Bajo de Masinloc,” pahayag sa telebisyon ng opisyal.

Ngunit hindi umano nangangahulugan na basta na lamang pinayagan ito ng Pilipinas at sinisikap nila na umaksyon laban sa agresyon ng China sa legal at tamang mga pamamaraan.

Kakausapin naman ng PCG ang mga mangingisda na ginipit ng CCG para mahikayat sila na magsumite ng affidavit ukol sa pangyayari.

Show comments